MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Martes na may mga high-profile inmate silang lumabas ng kulungan upang magpaospital.
Nitong nakaraang buwan lumabas ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City para magpaospital sina robbery gang leader Herbert “Ampang†Colangco, at mga drug lords na sina Amin Buratong at Ricardo Camata
"Tama po 'yun. Lumabas po 'yun, ni-report po sa akin ng NPB superintendent na lumabas 'yan, at actually, ininspeksyon ko 'yan at nandoon talaga sila [sa ospital]," wika ni BuCor Director Franklin Bucayo sa kanyang panayam sa dzMM.
Ayon sa mga ulat, isinugod sa Metropolitan Hospital si Camata kung saan nagpasok pa ng young star at dancers sa kanyang kuwarto.
Samantala, sa Asian Hospital sa Alabang naman dinala si Colangco, at sa Medical City sa Pasig City naman si Buratong.
Nilinaw ni Bucayo na hinahayaan naman ito ng Bilibid dahil hindi nila kayang tugunan ang ibang pangangailangang medikal ng mga preso.
"Kailangan po kasi ng espesyalista sa kanilang mga sakit and incidentally ang doktor na espesyalista nila ay connected po sa ospital na 'yun kaya doon po sila nai-refer," banggit ni Bucayo.
Mayroong “life-threatening†na sakit si Colangco at Buratong na kinakailangang sumailalim agad sa operasyon.
"Maraming sakit na kailangang espesyalista at saka marami po d'yan na hindi kaya ng NBP Hospital dahil class C 'yung ating hospital doon," sabi ni Bucayo.
Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Leila de Lima kung totoong may special treatment ang BuCor sa mga high-profile na preso.