^

Bansa

BuCor kinumpirma ang paglabas ng 3 bigating preso sa bilibid

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Martes na may mga high-profile inmate silang lumabas ng kulungan upang magpaospital.

Nitong nakaraang buwan lumabas ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City para magpaospital sina robbery gang leader Herbert “Ampang” Colangco, at mga drug lords na sina Amin Buratong at Ricardo Camata

"Tama po 'yun. Lumabas po 'yun, ni-report po sa akin ng NPB superintendent na lumabas 'yan, at actually, ininspeksyon ko 'yan at nandoon talaga sila [sa ospital]," wika ni BuCor Director Franklin Bucayo sa kanyang panayam sa dzMM.

Ayon sa mga ulat, isinugod sa Metropolitan Hospital si Camata kung saan nagpasok pa ng young star at dancers sa kanyang kuwarto.

Samantala, sa Asian Hospital sa Alabang naman dinala si Colangco, at sa Medical City sa Pasig City naman si Buratong.

Nilinaw ni Bucayo na hinahayaan naman ito ng Bilibid dahil hindi nila kayang tugunan ang ibang pangangailangang medikal ng mga preso.

"Kailangan po kasi ng espesyalista sa kanilang mga sakit and incidentally ang doktor na espesyalista nila ay connected po sa ospital na 'yun kaya doon po sila nai-refer," banggit ni Bucayo.

Mayroong “life-threatening” na sakit si Colangco at Buratong na kinakailangang sumailalim agad sa operasyon.

"Maraming sakit na kailangang espesyalista at saka marami po d'yan na hindi kaya ng NBP Hospital dahil class C 'yung ating hospital doon," sabi ni Bucayo.

Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Leila de Lima kung totoong may special treatment ang BuCor sa mga high-profile na preso.

AMIN BURATONG

ASIAN HOSPITAL

BURATONG

BUREAU OF CORRECTIONS

COLANGCO

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MEDICAL CITY

METROPOLITAN HOSPITAL

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with