MANILA, Philippines - Inaresto, kinumpiska ang mga baril at ikinulong ng Lasama, Cagayan Police force ang walong opeÂratiba ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) na nagsagawa ng jueteng operations sa lalawigan nitong Mayo 30.
Gayunman, agad ding pinakawalan ang mga ahente ng NBI, sa panguÂnguna ni NBI Special Investigator Ferdinand Manuel matapos ibasura ng piskalya ang inihaing reklamo laban sa NBI na unlawful arrest, violation of domicile, robbery at grave coercion.
Ito’y kasunod na rin ng pagkumpirma umano ni Cagayan Gov. Alvaro Antonio na lehitimo ang nasabing operasyon.
Ayon sa NBI insider, ang pagsalakay sa opeÂrasyon ng jueteng ay mismong si Gov. Antonio ang humiling sa NBI dahil wala umano itong tiwala sa local police para masawata ang talamak na jueteng sa lugar.
Sa kabila umano na may ipinakitang dokumento o mission order na pirmado ni NBI director Virgilio Mendez, ay hindi ito iginalang ng mga local na pulis at inaresto sila at pinigil sa kampo ng mga pulis.
Sa paliwanag ni C/Insp Eduard Felix, ng Lasam Police, hindi umano nila alam kung mga NBI agents ang mga hinuli nila dahil may nagbigay ng impormasyon sa kanilang police station na may mga armadong lalaki na nagtungo sa lugar at dinukot ang ilang katao kaya umano sila rumesÂponde.
Nabatid na 13 katao kabilang ang ama ng isang konsehal sa lugar ang dinakip ng NBI na sinasabing hinarang naman at inagaw ng mga pulis sa isang checkpoint habang patungo sa NBI-Tuguegarao Regional office.
Ang pagsalakay ay tugon ng NBI sa hiling ni Gov. Antonio dahil sa umano’y kabiguan ng lokal na kapulisan na sugpuin ang lumalalang operasyon ng jueteng.
Sa kanyang sulat sa director ng NBI sa Maynila ay sinabi ni Gov. Antonio na tanging ang mga operatiba na lamang ng Department of Justice ang puwedeng pagkatiwalaan ng kanyang mga ka-lalawigan laban sa nagiging talamak na operasyon ng iligal na sugal.
Sumulat na rin sa NBI kamakailan si Nueva Vizcaya Gov. Padilla kaugnay sa jueteng sa kanyang lalawigan.
Partikular na tinukoy sa reklamong ipinaabot sa mga awtoridad ng ilang opisyales sa mga lalawigan ng Cagayan, Aparri, Tuguegarao, Isabela at Nueva Vizcaya ang kabiguan umano ng pamunuan ni PNP Regional Director Gen. Manuel Laurel na masawata ang iligal na sugal, partikular ang jueteng.
Nakapiit na sa Ballesteros Bureau of Jail ManageÂment and PenoÂlogy (BJMP) ang mga nadaÂkip na jueteng personnel at opeÂrator.