^

Bansa

Pasahe sa jeep, P8.50 na simula Hunyo 14

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula Hunyo 14 ay P8.50 na ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at Region 4.

Ito’y matapos aprubahan kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na 50 sentimo dagdag pasahe sa unang apat na kilometro at 10 sentimo sa bawat susunod na kilometro.

Ayon kay LTFRB Chair­man Winston Ginez,  ikinonsidera ng board sa kanilang desisyon ang naging pagtaas ng halaga ng diesel na ang mga driver ang umaako. Pebrero 2011 pa anya huling tumaas ang pa­sahe o mahigit tatlong taon na. 

Nilinaw naman ni Ginez na aabutin ng P6.80 ang minimum na pasahe sa mga mag-aaral, disabled at elderly na may 20 percent discount.

Sinabi naman nina Altodap president Boy Vargas, Fejodap president Zeny Maranan, LTOP president Ka Lando Marquez at ACTO president Efren de Luna na aabutin ng P100.00 kada araw ang madadagdag na kita ng mga driver dahil sa 50 centavos fare hike sa jeep.

Kailangan namang mag-file ng fare hike petition ang mga samahan ng bus, taxi at AUV para magkaroon din sila ng taas pasahe gayundin ang mga samahan ng jeep sa ibang rehiyon sa bansa.

ALTODAP

AYON

BOY VARGAS

KA LANDO MARQUEZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

SIMULA HUNYO

WINSTON GINEZ

ZENY MARANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with