100 kongresista sabit sa listahan ni Napoles
MANILA, Philippines — Umabot sa 100 dati at kasalukuyang kinatawan ang idinawit ng itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa kanyang affidavit.
Sinabi ni Napoles na ito lamang ang kanyang mga naaalala na direkta nagpasok ng mga kani-kanilang Priority Development Assistance Funds sa mga peke niyang non-government organizations.
"Sa abot ng aking naaalala, sa kasalukuyan kong kalagayan dito sa Ospital ng Makati, ang mga sumusunod na mga senador, kongresista at kanilang mga agents at ang mga opisyales o kawani ng Implementing Agencies ng pamahalaan na nagkaroon ng kaugnayan sa akin at tumanggap ng bahagi ng mga pork barrel," wika ni Napoles sa kanyang salaysay.
Kaugnay na balita: 2 affidavit ni Napoles hawak na ng Senado, 20 senador pinangalanan
Dagdag niya na kahit tumanggap ng mga kickback ang mga mambabatas ay may mga natapos namang proyekto.
Bukod sa 100 kinatawan, sabit din ang mga dating senador na sina Rodolfo Biazon, Loi Estrada, Robert Jaworski, Ramon Magsaysay, Tessie Aquino Oreta, Aquilino Pimentel II, Manuel Villar at ang namayapa nang si Robert Barbers.
Pasok din sa listahan ang mga kasalukuyang senador na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Gregorio Honasan, Lito Lapid, Loren Legarda, Ferdinand Marcos Jr., Aquilino "Koko" Pimentel III, Ramon "Bong" Revilla Jr. Vicente Sotto at Cynthia Villar.
Narito ang listahan ng mga solon na idinawit ni Napoles:
- Latest