^

Bansa

Yolanda survivors nababaliw

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

Tacloban City, Philippines - - Umapela sa pamahalaan ang isang doktor na maglagay na ng psychiatric clinic sa kanilang lalawigan dahil sa umano’y dumaraming kaso ng nawawala sa tamang pag-iisip at mga insidente ng tangkang pagpapakamatay ng ilang survivors ng supertyphoon Yolanda.

Sinabi ni Dr. Wilfredo Liao, medical director ng Doña Remedios Trinidad Romualdez Medical Foundation, nakapagtala na sila ng 3 kaso ng suicide kabilang dito ang isang lalaki na namatay sa kumplikasyon makaraang silaban ang sarili dahil sa sobrang depresyon ng mamatay ang kanyang pamilya dahil sa naturang bagyo.

Bukod dito, kung mag-iikot ka rin umano sa buong siyudad ay mapapansin din na maraming tao ang nag­lalakad ng hubo’t hubad na halos tuliro at hindi alam kung saan pupunta.

Nabatid na walang ospital sa lalawigan para sa mga kasong nawawala sa matinong pag-iisip kaya kailangan magpatayo ang gobyerno nito dahil ayaw naman nilang ihalo sa ibang pasyente ang mga ito.

Ito ay dahil mayroon din umanong mga pasyente sa loob ng ospital na nagtatangka rin magpakamatay kahit naka-confine na at ang isa nga rito ay binawian na ng buhay dahil sa kumplikasyon.

Paliwanag naman ni Mayor Alfred Romualdez, sa ngayon ang tanging magagawa lamang ng lokal na pamahalaan ay ang pagsasagawa ng stress debriefing sa Yolanda survivors subalit limi­tado na ang kanilang pondo kaya hindi sila makapagpagawa ng psychiatric hospital.

Ang ugat umano ng pagkawala sa sariling pag-iisip ng mga survivors ay ang pagkawala ng kanilang bahay, pagkukunan ng pagkakakitaan kasabay pa ang pagharap sa ibang uri ng problema sa araw-araw kaya bumibigay ang mga ito, ayon kay Dr. Liao.

BUKOD

DAHIL

DR. LIAO

DR. WILFREDO LIAO

MAYOR ALFRED ROMUALDEZ

REMEDIOS TRINIDAD ROMUALDEZ MEDICAL FOUNDATION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with