Napoles pinababalik na sa Fort Sto. Domingo
MANILA, Philippines - Pinababalik na ng Makati City Regional Trial Court branch 150 sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna si “pork barrel queen†Janet Lim Napoles makaraang tanggihan ang mosyon nito na manatili sa Ospital ng Makati.
Ipinag-utos ni Makati RTC Judge Elmo Alameda sa Philippine National Police na ibalik si Napoles sa Fort Sto. Domingo na hindi lalagpas sa Mayo 23 (Biyernes), isang buwan matapos na siya ay operahan.
Matatandaan na sumailalim ito ng operasyon sa OsMak nitong Abril 23 nang tanggalan ng namuong tumor sa kanyang “uterusâ€. Pinagbasehan naman ng hukom ang pagbibigay ng “go-signal†ng mga doktor ni Napoles na maaari na itong makalabas ng pagamutan.
Iginiit ni Alameda na sapat naman ang detention cell ng Fort Santiago para sa mga pangangailangan nito dahil sa meron namang sariling klinika ang kampo.
Nagpahayag na rin ang PNP-Calabarzon Health Services na handa silang tanggapin si Napoles kapag ibinalik ito sa kampo.
Payag rin naman ang PNP na magdala ng mga dagdag na electric fans sa kanyang selda makaraan magreklamo ang mga abogado na kailangan ng kliyente nila ng malamig na kuwarto.
Una nang hiniling ng kampo ni Napoles sa korte na bigyan sila ng panahon para makapagprisinta ng sinuman buhat sa Department of Justice o sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsasabi na kaÂilangan pa nitong manatili sa pagamutan dahil sa abala sa pagtatapos sa kanyang supplemental testimony sa “pork barrel scam caseâ€.
Tinanggihan ito ng hukom sa pagsasabi na ang kanyang korte ay dinidinig lamang ang kaso ng “illegal detention†laban kay Napoles at walang kinalaman sa “pork barrel scam caseâ€.
- Latest