Cedric Lee delikado sa Taguig Jail

Delikado umano ang magiging kalagayan ni Cedric Lee kapag inilipat sa Taguig City Jail.

MANILA, Philippines - Delikado umano ang magiging kalagayan ni Cedric Lee at kanyang grupo dahil hindi kayang tiyakin ng mga opisyales ng Taguig City Jail at pambansang pulisya ang seguridad kapag  nagdesisyon ang korte na doon sila ikulong bilang mga pangunahing suspek  sa insidente ng pambubugbog sa actor-comedian na si  Vhong Navarro, noong nakaraang Enero 17.

Nagpaplano umano ang mga inmates sa naturang kulungan ng  “welcome party” bilang paghahanda ng mga ito sa magiging desisyon ng korte.

Nagbabalak umano ang mga bilanggo na gawan ng karahasan ang grupo ni Lee, tulad ng pananakit at posibleng panghahalay.

Kaugnay na balita: 'Di kailangan ng state witness – Vhong

Isang source mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police (PNP) ang unamo’y nakasagap ng impormasyon sa planong ‘masama’ sa grupo ni Lee.

‘Yung mga nangyayari sa loob ng mga bilangguan na karaniwang napapanood sa mga pelikula katulad ng ‘panggagahasa’ at ‘panggugulpi’ sa mga bagong pasok na bilanggo, totoong nangyayari naman ‘yun,” dagdag pa ng mga ito.

Si Lee at kaibigan nitong si Zimmer Raz ay kasalukuyang detenido sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos sumuko sa mga ahente ng NBI sa Eastern Samar noong Abril 26.

Kaugnay na balita: Deniece tulala sa selda

Detenido naman sa Camp Crame ang modelong si Denice Cornejo na sumuko naman sa Philippine National Police ilang araw pagkatapos ni Lee at Raz.

Matatandaan na nag-ugat ang kontrobersiya matapos umanong “halayin” ni Navarro si Cornejo sa loob ng condominium unit ng huli sa Taguig City.

 

Show comments