^

Bansa

3 gabinete ni PNoy ipinagtanggol ni SB

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang tatlong gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino sa gitna ng panawagang magbitiw na ang mga ito dahil sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa listahan ni Janet Lim -Napoles.

Sinabi ni Belmonte, na wala pang mabigat na dahilan para magbakasyon sina Budget Secretary Florencio Butch Abad, TESDA director Joel Villanueva at Agriculture Secretary Proseso Alcala.

Paliwanag pa ng Speaker, ang pagkakadawit ng tatlo at base pa lamang sa salita ng mga nag-aakusa na walang kaakibat na pruweba.

Hindi umano makatwiran na pagbitiwin agad sina Abad, Alcala at Villanueva nang wala pa namang nag­lalabasang patunay na naging tiwali sila sa paggamit ng pondo ng bayan at wala pa rin kasong naisasampa sa korte laban sa kanila.

Pinayuhan din ni Belmonte ang kanyang mga kasamahan sa kongreso  na lumabas ang pangalan sa listahan na isinumite ni Justice Secretary Leila De Lima sa Senate Blue Ribbon Committee na maghanda ng magandang depensa sa pamamagitan ng pangangalap ng  anumang ebidensiya na magpapatunay na hindi sila sangkot sa anomalya.

Idinagdag pa nito na nagkaroon na siya ng pagkakataon na makausap ang mga kongresista na kasama ang pangalan sa listahan at itinangging hindi sila sangkot sa pork barrel scam.

 

vuukle comment

ABAD

AGRICULTURE SECRETARY PROSESO ALCALA

BELMONTE

BUDGET SECRETARY FLORENCIO BUTCH ABAD

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JANET LIM

JOEL VILLANUEVA

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with