MANILA, Philippines — Napuno na si Senador Miriam Defensor-Santiago sa mga listahang naglalaman ng mga sangkot sa pork barrel scam kung saan kasama ang kanyang pangalan.
Lumitaw ang pangalan ni Santiago sa listahan ng itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles na hawak ni dating Senador Panfilo Lacson, habang base sa ulat ng isang pahayagan ay kabilang din ang pangalan ng Senadora sa listahan naman ng whistleblower na si Benhur Luy.
Iginiit ng senadora na wala siyang kinalaman sa pork scam at sinabing peke ang mga naturang listahan.
Kaugnay na balita: Miriam kay Lacson: bisexual, magpapa-sex change!
"The Luy list has no proof of the attestation of any public document, and no proof of the authenticity of any private document. Thus, the Luy list constitutes no proof at all against me and others like me. The Luy list is nothing but mudslinging. How sad for our country that such villainy can come to pass," pahayag ni Santiago na aniya'y ginamit lamang ang kanyang pangalan.
"If corruption is this bad, maybe I should run for president, on the same anti-corruption platform from which I have fulminated all these years."
Si Santiago mismo ang humimok sa Senate Blue Ribbon Committee na kunin ang listahan ni Luy upang maikumpara sa hawak na listahan ni Lacson.
Kaugnay na balita: Lacson ayaw patulan ang 'baliw' na si Sen. Miriam
Aniya, mas katiwa-tiwala ang listahan ni Luy kumpara sa hawak ni Lacson na ibinigay sa kanya ng asawa ni Napoles, pero nag-iba ang timpla ng senadora ngayon.
"My name has been used in vain by the Napoles Gang of thieves. I thought that if the Luy list included documents, they would first be authenticated, before publication. Silly me.â€
Nagbabala rina ng senadora laban sa gumamit ng kanyang pangalan.
"Someone has made money by using my name, and I will make that person pay, big time."