Smuggler ng sibuyas ‘inisnab’ ang imbestigasyon ng Kamara

MANILA, Philippines -  nisnab o hindi sumipot sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara ang itinuturing na smuggler ng bawang at sibuyas na si Lea Cruz.

Sinabi ng abogado ni Cruz sa House Committee on Good Government and Public accountbility, hindi umano natanggap ng kanyang kliyente ang imbitas­yon ng Komite kaya hindi nito alam na may pagdinig kahapon.

Ayon naman kay Pampanga Rep. Oscar Rodriguez, chairman ng komite, nasa records nila na natanggap ni Cruz ang imbitasyon noon pang ika-8 ng Mayo.

Iniulat naman ni Bureau of Plant Industry Director Clarito Baron sa komite na umpisa nitong Enero ng kasalukuyang taon ay itinigil na nila ang pag-iisyu ng import permit para sa pag aangkat ng sibuyas at bawang dahil wala namang rekomendasyon ang National Onion and Garlic Action Team.

Show comments