^

Bansa

Comet e-jeepneys papalit sa lumang PUJs

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng transport group Pasang Masda ang Comet electric jeepneys dahil sa konsepto nitong maka-kalikasan na bukod sa makatutulong mabawasan ang air pollution ay tugon din sa mataas na presyo ng langis.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin bilang kasapi ng transport sector na may 15,000 miyembro batid ng kanilang hanay na malaki ang maitutulong ng Comet lalo na sa kanilang arawang kita, kung dati umano ay P1,200 hanggang P1,500 ang ilalaan sa gasolina sa Comet ay P400-500 lamang para sa pag-charge ng baterya.

Ang Comet ay produkto ng KDT Global, isang kumpanyang itinatag ni dating Taguig congressman at mayor Freddie Tinga.

Ang Comet ay dinisen­yo umano para sa major roads sa Metro Manila na kayang tumakbo ng 60kph gamit ang lithium phosphate batteries at kayang bumiyahe ng hanggang 100kph kada araw kum­para sa jeepney.

Ang Comet ay moderno na may GPS, CCTV Ca­mera at Wifi. Ang pasahe nito ay gumagamit naman ng credit loaded card kaya wala nang abala sa abutan ng pasahe at sa pagsukli. Mas pinaiksi rin ang oras ng trabaho na 10 oras na lamang kumpara sa 14 byahe at may malaking take home pay pa.

“Moderno ito na syang kailangan natin sa panahon ngayon,” pahayag pa ni Martin kung saan 4,000 unit ng Comet ang inorder nito ngayong 2014.

Umaasa naman si Martin na susuportahan din ng iba pang transport group ang Comet na dumaan umano sa masusing pag-aaral kaya makasisigurong epektibo.

Dapat anyang maging bukas din ang isipan ng publiko sa pagbabago kahit pa man nakagawian na ang jeepney.

 

ANG COMET

AYON

COMET

DAPAT

FREDDIE TINGA

IKINATUWA

METRO MANILA

PASANG MASDA

PASANG MASDA PRESIDENT OBET MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with