Seguridad sa ASEANAPOL kasado na
MANILA, Philippines - Plantsado na ang ipatuÂtupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng gaganaping ika-34 ASEANAPOL Conference na gaganapin sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Pasay City sa darating na Mayo 13-16.
Ayon kay Chief Supt. Ferdinand Yuson, PNP Deputy Director for Plans, ang PNP ang host ng naturang okasyon at si Pangulong Aquino ang magsisilbing panauhing pandangal at tagapagsalita.
Magpapakalat ng nasa 2,000 pulis upang magbantay sa venue at sa mga dadalong delegado upang tiyakin na magiging maayos ang gaganaping okasyon sa bansa.
Nasa P30 M ang gugugulin ng PNP para sa ika-34th ASEANAPOL na dadaluhan ng may 250 delegadong pulis na magmumula sa sampung bansa.
Kabilang dito ang RoÂyal Brunei Police Force, Cambodian National Police Force, Indonesian National Police, Myanmar Police Force, Singapore Police Force, Socialist Republic of Vietnam Police, Royal Thai Police, Royal Malaysia Police at Lao People’s Democratic Republic Police Force.
Ang ASEANAPOL ay sinimulan sa Manila noong 1981 at ito ang ika-5 pagkakataong iho-host ng PNP ang nasabing kumÂperensya.
Nakatakda namang talakayin ng mga opisyal ng pulisya sa kanilang mga counterparts ang mga problema sa transnational crime, illegal drug trafficÂking, terrorism, arm smuggling, maritime fraud at human trafficking.
- Latest