MANILA, Philippines - Tinanggap ni Pangulong Aquino ang biglaang pagbibitiw ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Margie Juico kasabay ang pasasalamat dito sa kanyang panahon na ipinaglingkod sa bayan.
“President Aquino thanks outgoing Chairperson Juico for her dedicated service to the government and the Filipino people. She also served with President Cory Aquino all throughout her presidency, then went on to serve in the PCSO board in the succeeding administration,†pahayag ni Communications Sec. Herminio Coloma.
Ayon kay Coloma, wala pang inaanunsiyo si Aquino na magiging kapalit ni Juico sa PCSO.
Si Juico ang pang-8 opisyal ni PNoy na nag-resign.
May ugong sa Palasyo na ang natalong si dating Cavite Gov. Ayong Maliksi ang papalit sa puwesto ni Juico.
Samantala, lumipat naman ng opisina ang tanggapan ng PCSO sa Shaw Blvd., Mandaluyong City dahil sa gagawing renovation sa Philippine International Convention Center (PICC) bilang paghahanda sa APEC Summit sa susunod na taon kung saan ang Pilipinas ang host country.