MANILA, Philippines - Isang Pinay nurse na naka-quarantine matapos mag-positibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (Mers-CoV) ang umano’y namatay na sa isang ospital sa Saudi Arabia.
Ayon sa report, matapos ang ilang araw na obÂserbasyon sa intensive care unit (ICU) ng King Fahad Medical City sa Riyadh ay binawian nang buhay ang Pinay na itinago ang pangalan at tubong Negros Occidental dakong alas-11 ng umaga kahapon.
Nagtatrabaho ang Pinay sa naturang ospital at hinihinalang nahawaan ng Mers mula sa ibang mga pasyente. Kinukumpirma naman ng Department of Foreign Affairs ang naturang ulat.
Ipinabatid na umano ng Saudi authorities ang pagkasawi ng Pinay sa kanyang asawa sa Pilipinas at pinapupunta sa Saudi upang maiayos ang pagpapauwi sa mga labi nito sa bansa. May dalawang Pinay ang naunang naitala ng DFA na nasawi sa corona virus sa Middle East.