^

Bansa

Tiangco sa DOJ: Ilabas mo ang ‘Napoles black book’

Butch Quejada/Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain ng isang resolusyon si Navotas Rep. Toby Tiangco upang obligahin ng House of Representatives ang Department of Justice (DOJ) na ilabas ang mga pangalan ng mga mambabatas at mga opisyal ng gobyerno na umano’y nasa “Napoles Black Book”.

Sa House Resolution No. 1082 ni Rep. Tiangco na humihiling sa Kongreso, ‘in aid of legislation’ na magsagawa ng masusing imbestigasyon base sa affidavit na isinumite ni  Janet Lim Napoles kay Justice Sec. Leila de Lima.

Sabi ni Tiangco, secretary general of the United Nationalist Alliance (UNA), ang hindi pagbubulgar ni  Sec. De Lima ng “The Napoles List” ay nalalagay sa kahihiyan at pagkasira ng integridad ng mga mambabatas kahit hindi kasama sa  P10-billion “pork barrel” scam.

Sabi ni Tiangco, kung talagang seryoso sa kampan­ya laban sa graft and corruption ang mga empleyado at opisyal ng gobyerno ang Aquino administration dapat wala silang papanigan kahit na ang mga ito ay kaalyado nila sa pulitika.

“Mrs. Napoles executed an Affidavit before the Secretary of the Department of Justice, Honorable Leila de Lima, allegedly identifying all the lawmakers and go­vernment officials with who she transacted throughout the years of her operation. Justice Secretary, herself, admitted that she has in her possession the Affidavit executed by Mrs. Napoles,” sabi ni Tiangco sa kanyang resolusyon.

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

HONORABLE LEILA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JANET LIM NAPOLES

JUSTICE SEC

JUSTICE SECRETARY

MRS. NAPOLES

NAPOLES BLACK BOOK

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with