^

Bansa

Pagbabalik ni Napoles sa Fort Santo Domingo, ipinauubaya sa PNP

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinauubaya na ng Makati City Regional Trial Court, (RTC)  sa Philippine National Police (PNP) ang desis­yon kung dapat nang ibalik sa Fort Santo  Domingo sa Laguna  ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim  Napoles dahil maari na itong lumabas ng Ospital ng Makati (OSMAK).

Ito ang nabatid kahapon kay Atty. Diosfa Valencia, Clerk of Court ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 at  ito ay base  na rin sa progress report o clinical assessment ng OSMAK.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Napoles na iaapela nila sa hukuman na  mapalawig pa ang panananatili ni Napoles  sa ospital dahil kailangan nito ang “full bed rest” matapos ang operasyon dito .

Nabatid na Marso 28 pa ng magbaba ng desisyon si Judge Elmo Alameda na puwede nang ibalik sa kulungan si Napoles kung may kautusan na itong ilabas ng ospital.

Sinabi naman ni Atty. Bruce Rivera, tagapagsalita ni Napoles, linggo-linggo ang iskedyul ng check-up ng akusado at kung ibabalik ito sa Fort Santo Domingo sa Laguna ay  posible aniyang  lumala ang lagay nito.

Bukod pa aniya sa magastos ito dahil  higit sa P120,000 na gastusin sa pagbiyahe kay Napoles mula Laguna patungong Makati City.

Nilinaw ni Atty. Valencia na wala pa silang natatanggap na anumang motion na humihiling para mapalawig ang pananatili ni Napoles sa ospital.

BRUCE RIVERA

CLERK OF COURT

DIOSFA VALENCIA

FORT SANTO

FORT SANTO DOMINGO

JANET LIM

JUDGE ELMO ALAMEDA

MAKATI CITY

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with