MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit isang buwan, isinumite na kay Pangulong Aquino ng Armed Forces of the PhilipÂpines (AFP) ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa kaso ng pinatalsik na si Cadet Aldrin Jeff Cudia.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office spokesman Lt. Col. Ramon Zagala na hinihintay na lamang nila ang magiging tugon o desisyon ni PNoy hinggil sa resulta ng imbestigasyon.
Una nang ipinag-utos ni PNoy sa AFP ang pagbuo ng Special Investigating Board (SIB) para rebisahin ang kontrobersyal na kaso ni Cudia na naakusahang lumabag sa Honor Code ng Philippine Military AcaÂdemy (PMA) at nabigong magmartsa sa graduation noong Marso 16, 2014.
Si Cudia ay dapat nagtapos na Salutatorian sa PMA Siklab Diwa Class 2014 kung hindi ito naakusahan ng paglabag sa Honor Code na dahilan para itakwil siya sa PMA at idismis.