MANILA, Philippines - Isa pang Pinay ang inilagay sa isolation area matapos mag-positibo sa nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) CoronaÂvirus sa Saudi Arabia.
Ayon sa Saudi Foreign Ministry, ang 38-anyos OFW na nagtatrabaho sa Riyadh bilang pharmacist ay kasalukuyang inoobÂserbahan sa intensive care unit ng King Fahad Medical City matapos ma-admit noong Abril 22.
Nakitaan ito ng sintomas ng Mers coronavirus nang maisugod sa naÂsabing ospital.
Unang nagsimula sa Saudi ang Mers Cov may dalawang linggo na ang nakalilipas, na mabilis na kumalat sa Gitnang SilaÂngan. May 339 kaso ang kinumpirma sa Saudi at 102 dito ang naging fatal.
Sa huling ulat, may 10 sa nasabing bilang ang kinumpirmang nasawi kaÂbila ang pito sa Jeddah, dalawa sa Riyadh at isa sa Mecca.
Muling pinaalalahaÂnan ng Embahada ng Pilipinas ang mga libu-libong Pinoy na sundin ang mga abiso ng lokal na health officials para sa tamang pagsusuot ng face masks at umiwas sa mga matataong lugar at gumamit ng mga saniÂtizers at iba pang hygiene products para makaiwas sa sakit.
May dalawang Pinay nurse, isa sa Riyadh noong nakalipas na taon at isa sa Abu Dhabi, UAE kamaÂkailan lamang ang kapwa nasawi sa Mers Coronavirus.