2014 Bar exam sa UST uli – SC

MANILA, Philippines - Sa University of Sto. Tomas uli gaganapin ang 2014 Bar Examinations. 

Ito ang lumabas sa resolusyon ng Supreme Court (SC) en banc kung saan inaprubahan ang rekomendasyon ni Associate Justice Diosdado Peralta na siyang chairperson ng 2014 Bar Exams. 

Noong 2011 nagsimulang ganapin sa UST ang pagsusulit matapos ang nangyaring pagsabog sa Taft Avenue malapit sa De La Salle University na siyang venue noon ng Bar exams. Umabot sa 47 ang na­sugatan dahil sa pagsabog. 

Tatanggap ng aplikasyon ang Office of the Bar Confidant mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 15.

Show comments