MANILA, Philippines – Naglabas ng hold departure order (HDO) ang Third Division ng Sandiganbayan ngayong Biyernes para kina dating Chief Justice Renato C. Corona at dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit†Singson.
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, nag-ugat ang HDO laban kay Corona dahil sa kasong perjury dahil sa umano'y hindi paglalagay ng tamang impormasyon sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth at kabiguang pagbabayad ng tamang buwis.
Samantala, pipigilan ding umalis ng bansa si Singson dahil sa kanyang kasong malversation of public funds na umano'y ginawa niya noong 2001.
Pinagbabawalan ng korte ang sinumang binigyan ng HDO na makalabas ng bansa na dapat ipatupad ng Bureau of Imigration.
Inilalabas ang HDO upang matiyak ng korte na haharapin ng mga akusado ang mga kasong nakasampa laban sa kanila.