^

Bansa

Mayor itinumba sa flag ceremony…

Rudy Andal, Joy Cantos, Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng Malacañang ang gina­wang pagpaslang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Mayor ng Gonzaga, Cagayan habang isinasagawa ang flag raising ceremony kahapon ng umaga sa harap ng munisipyo ng nasabing bayan.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., inatasan na ng Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng law enforcement agency sa bansa para tugisin at arestuhin ang mga salarin ni Mayor Carlito Pentecostes Jr., 53, ng Gonzaga, Cagayan.

“Sinisiyasat na ‘yan, at kinakailangang mahanapan ng agarang solusyon dahil hindi dapat mangyari na isang lingkod-bayan pa ang magiging target o biktima ng karahasan. Binibigyan ‘yan ng prayoridad ng ating Pambansang Kapulisan,” wika pa ni Sec. Coloma.

Pinaslang ang alkalde sa kalagitnaan ng flag raising sa harap ng munisipyo ng bayan ng Gonzaga, Cagayan ganap na alas-8:00 ng umaga kahapon.

Nagtamo ng 10 tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang alkalde nang ratratin ng mga suspek.

Sinabi ng ilang testigo na narinig pa umano nila ang isa sa mga suspek na sumigaw ng “Si Mayor lamang ang aming papatayin” habang pinapadapa naman ang mga nagka­kagulong kawani ng lokal na pamahalaan.

Nabatid na si Pentecostes ay nasa ikalawang termino ng kanyang pa­nunungkulan bilang alkalde sa bayan ng Gonzaga.

Sinabi ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Miguel Laurel, na tinatayang nasa 20 katao ang mga salarin na namahagi pa ng mga flyers kung saan ay galit sila sa nagaganap na black sand mining operation sa nasabing lugar.

Ayon naman kay Major Emmanuel Garcia, Commander ng 1st Civil Relations Group ng AFP Northern Luzon Command, ang mga rebelde na lulan ng dalawang van ay nakasuot ng uniporme ng pulis at militar kaya’t  hindi inakala ng mga empleyado ng munisipyo na mga rebeldeng NPA ang mga ito.

Sinabi ni Garcia, di­nisarmahan ng mga rebelde ang tatlong pulis na nagtra-trapiko sa lugar at puwersahang kinuha ang kanilang mobile cars na ginamit na get away vehicle sa kanilang pagtakas.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng ‘hot pursuit operation’ ang tropa ng Army’s 502nd Infantry Brigade, PNP at CAFGU laban sa mga rebelde na responsable sa insidente.

 

CAGAYAN VALLEY POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

CIVIL RELATIONS GROUP

GONZAGA

HERMINIO COLOMA JR.

INFANTRY BRIGADE

MAJOR EMMANUEL GARCIA

MAYOR CARLITO PENTECOSTES JR.

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with