MANILA, Philippines - Nakatakdang magÂhain ng kontra demanda ang National Press Club (NPC) laban sa Government Service Insurance System (GSIS) matapos ibasura ng Manila court ang estafa case na isinampa nito laban sa NPC officers noong 2008.
Sinabi ng kasalukuyang pangulo ng NPC na si Benny Antiporda, ‘vindicaÂted’ ang NPC sa inilabas na March 17 ruling ni Branch 22 Regional Trial Court Judge Marino dela Cruz.
Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa alegasÂyon noon ni dating GSIS president Winston Garcia, na pag-aari ng GSIS ang NPC property sa Intramuros, na kinabibilangan ng lupa, gusali at ang pamosong Manansala Mural na idinisplay sa restaurant na nasa ika-4 na palapag ng NPC building.
Subalit sa panahong nanungkulan ang 2008 officers, sa pangunguna ng dating president na si Roy Mabasa, ibinenta ang mural na likha ng yumaong si National ArÂtist Vicente Manansala sa halagang P10 milyon para maipantustos umano sa gastusin ng samahan at maisalba na rin ang mural sa posibleng pagkasira.
Ginamit umano ang napagbilhan sa mainÂteÂnance bills, habang ang P6M ay ginamit sa housing project sa Bulacan.
Sa pasiya ng hukom, hindi umano nakagawa ng krimen sa pagbeÂbenta ng mural dahil hindi naman sa personal na paÂngangailangan ginamit ang pondo, maliban pa sa binanggit din ang kaugnay na kaso na dinesisyunan ng Court of Appeals (CA).
“We consider this decision as a vindication, a victory not only for the officers and members of the NPC, but for press freedom itself,†ani Antiporda.
“I guess it’s time to set the record straight, and turn the table against our accuser,†aniya pa.
Ang isyu umano sa kung sino ang tunay na may-ari ng NPC proÂperÂties ay nadesisyunan ng Supreme Court noong Agosto 13, 2012 na isinaÂpinal na rin pati ang pagbasura sa claim ng GSIS.
Dahilan ito para i-withdraw na rin ang reklamo ng Department of Justice na kumakatawan sa gobyerno, partikular ang GSIS.