^

Bansa

White Spot virus banta sa fishpond industry

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng bagitong mambabatas sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na imbestigahan at agad pigilan ang pagkalat ng “White Spot Syndrome Virus”(WSSV) na banta sa mga fishpond industry sa bansa.

Sa House Resolution 783 na inihain ni 2nd district Zamboanga Rep. Lilia Macrohon-Nuño, sinabi nito na ang pagkalat ng WSSV ay lubhang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga pamilya na nakadepende sa industriya ng fishpond.

Paliwanag ni Macrohon-Nuño, ang nasabing virus ay nadiskubre noong 2010 sa mga apektadong fishponds sa Cebu, Bulacan at Zamboanga del Sur at hindi umano malayong kumalat pa sa buong Pilipinas dahil na rin sa geographical location ng mga lalawigan.

Ang WSSV umano ay umaatake sa mga prawns, shrimps at crabs at kamakailan lamang ay umatake umano ang virus sa Zamboanga city kung saan apektado nito ang mga barangay Vitali, Tictapul at Mangusu.

Base pa sa ulat mula sa normal na pagha-harvest na 1 hanggang 1.5 tonelada kada ektarya ng fishpond ay bumababa ito sa 200 kilos o mas mababa pa dahil sa naturang virus kayat lubhang apektado na umano ang kabuhayan ng mga pamilyang nakadepende lamang dito.

Base sa mga eksperto ang WSSV ay nag-iisang miyembro ng virus family Nimaviridae na isang napakalaking stranded DNA virus na nakakaapekto sa mga shrimp at iba pang crustaceans at isa sa senyales na mayroon nito ang mga hipon ay ang mga white spots dito.

Sa ulat ng BFAR posibleng ang nasabing virus ay maaa­ring makaubos ng hipon sa isang farm sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw at makapilay sa shrimp industry ng bansa.

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay nasa ikatlo sa pinakamalaking exporter ng hipon sa buong mundo.

 

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LILIA MACROHON-NU

PILIPINAS

SA HOUSE RESOLUTION

VIRUS

WHITE SPOT SYNDROME VIRUS

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with