PNPA nag-alburoto sa PMA
MANILA, Philippines - Umaalma ang mga opisyal na gradweyt sa Philippine National Police Academy (PNPA) dahil kinokopo umano ng mga nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ang promosyon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa isang PNP officer na tumangging magpabanggit ng pangalan, nagsasagawa na ng sikretong pagpupulong ang mga Class Presidents ng PNPA mula 1983 hanggang 1992 sa kanilang mga mistah para ilabas ang kanilang sentimyento.
Kinondena ng mga ito ang umano’y hindi patas na pagtrato sa mga PNPA graduates pagdating sa promosyon at pagtatalaga sa mga posisyon sa PNP.
Ayon sa opisyal, sa kasalukuyan ay mahigit lamang sa 300 ang PMA officers sa PNP pero 95% sa mga ito maliban na lamang ang mga hepe ng PNP Crime Laboratory, PNP Chaplain at Chief Medical Office, ang nakapuwesto sa ahensya. Nasa 3,600 naman ang PNPA graduates sa PNP.
Dalawang grupo, ang Association of Police Lateral Entrants (APOLE) na may mahigit sa 3,000 miyembro at PRIMO (Police ROTC Graduates for Integrity, Morality and Order) na may higit 1,000 kasapi ang handang makiisa sa krusada ng PNPA officers.
Iginiit ng opisyal na hindi makatwiran na tratuhin silang mga 2nd class citizens ng liderato ng PNP partikular na sa promosyon at maging sa mga bakanteng puwesto na kadalasang ang mga tinaguriang “crispy pata†ng PMA ang nakikinabang kontra sa ‘fried chicken’ ng PNPA.
“Walang kalaban-laban dito ang mga PNPA graduates kung may deadlock, mag-a-appoint sila ng OIC o acting capacity na mga PMA officers. Ang siste, para lang di sila masingitan ng non-PMAers, puro OIC lang ang inilalagay nila at tumatagal na ito sa puwesto maski lagpas sa dalawang taon,†anang opisyal.
“Yung description ni PNP-PIO Chief P/Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na ang PMAer ay crispy pata at ang non-PMAers ay mga ‘fried chicken’ ay tunay na nagsasabi kung ano ang nangyayari sa PNP. Ang mga non-PMAers na officers sa PNP ay virtually second class citizens in their own backyard,†pagÂlalantad pa ng opisyal.
- Latest