US dedepensa sa Pinas vs China
MANILA, Philippines - Handa ang Estados Unidos na depensahan ang Pilipinas laban sa panghaharas ng China kaugnay sa usapin ng “defense zone†at territorial dispute sa West Philippine Sea o South China Sea.
Sa naganap na “face off†o paghaharap nina US Defense Secretary Chuck Hagel sa kanyang counterpart na si Chinese Defense Minister Chang Wanguan sa Chinese Defense Ministry headquarters sa Beijing noong Martes, sinabi ni Hagel na walang karapatan ang China na maglagay ng defense zone sa pinag-aagawang mga isla sa WPS o South China Sea nang walang konsultasyon.
Si Hagel ay sinamahan ni US Ambassador to China Max Baucus sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng China upang harap-harapang talakayin ang isyu sa South China Sea.
Ipinamukha rin ni Hagel sa China na handang depensahan at tulungan ng Amerika ang kanyang mga kaalyado tulad ng Pilipinas, Japan at iba pa na nakararanas nang panggigipit na kanilang responsibilidad at obligasyon alinsunod sa nilagdaang US treaty sa pagitan ng mga kaalyado nitong bansa.
“Every nation has a right to establish an air defense zone, but not a right to do it unilaterally with no collaboration, no consultation. That adds to tensions, misunderstandings, and could eventually add to, and eventually get to, dangerous conflict,†giit ni Hagel.
Sa kabila nito, sinabi ni Chinese Defense Minister Chang na ang kanilang bansa ay hindi gagawa ng anumang inisyatiba na manggulo subalit nagbabala na gagamitin nila ang puwersang militar upang depensahan at protektahan ang kanilang teritoryo.
Inireklamo ni Chang ang Pilipinas dahil sa umano’y ilegal na pag-ookupa nito sa mga isla at reefs sa South China Sea na aniya’y bahagi ng kanilang teritoryo.
Tumagal ang pulong ng halos dalawang oras, na kauna-unahang naganap sa Beijing sa kagsagsagan ng territorial dispute ng China at Pilipinas.
Umalma rin ang Japan sa deklarasyon ng China na maglalagay ng air defense zone sa malaking bahagi ng East China Sea kung saan tatamaan ang mga isla na nasa kontrol ng Japan.
Tiniyak naman ng US na dedepensahan nila ang Pilipinas at Japan sa panggigipit at hindi rin nila kikilalanin ang “air defense zone†na ipinatutupad ng China.
- Latest