'Domeng' isa na lamang LPA

PAGASA satellite image

MANILA, Philippines - Tuluyan nang humina ang bagyong "Domeng" at bumalik sa pagiging low pressure area bago pa man ito tumama sa kalupaan, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sama ng panahon sa 350 kilometro silangan hilaga-silangan ng Hinatian, Surigao del Sur kaninang alas-4 ng madaling araw.

Inaasahang magdadala pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang ulan ang LPA sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Si Domeng ang ikaapat na bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.

Unang sinabi ng PAGASA na hahamapas sa kalupaan ng Surigao ang noo'y bagyo ngayong araw.

Show comments