^

Bansa

Ombudsman Stylebook vs korap na pulitiko inilunsad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilunsad ng tanggapan ng Ombudsman ang “Ombudsman Stylebook” na magsisilbing desk reference ng mga abogado at imbestigador ng ahensiya bilang gabay sa grammar, punctuation at principles tungkol sa legal administration.

Sa pamamagitan nito ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ay matutuldukan na ang pagsasamantala ng mga pulitikong korap at nagpapasasa sa pera ng bayan.

Ang Stylebook ay bahagi ng programa ng Ombudsman at British Embassy-Manila na tinatawag na “rapid assessment at seminar on case analysis at legal draftsmanship”.

Sa pamamagitan din umano ng proyektong ito ay higit na mapapabilis ang paglutas sa mga kasong naidudulog sa Ombudsman.

Mahigit isanlibong kopya ng stylebook ang ipamamahagi ng Ombudsman sa mga abogado at imbestigador ng ahensiya sa buong bansa.

Pinasalamatan naman ni Morales ang British Embassy bunga ng suportang naipagkaloob nito sa ahensiya para mapahusay ang kanilang pagkakaloob ng serbisyo sa publiko.

ANG STYLEBOOK

BRITISH EMBASSY

BRITISH EMBASSY-MANILA

INILUNSAD

MAHIGIT

OMBUDSMAN

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

OMBUDSMAN STYLEBOOK

PINASALAMATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with