^

Bansa

China: US walang kinalaman sa agawan sa teritoryo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binalewala ng China ang paghahayag ng suporta ng Amerika sa inihaing reklamo ng Pilipinas sa United Nations tribunal upang maresolba ang agawan ng katubigan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Chinese foreign minister Hong Lei na walang kinalaman ang Estados Unidos sa agawan ng Pilipinas at China.

"The US is not a party concerned in the South China Sea disputes," wika ni Hong sa isang pulong balitaan kahapon.

Nagpahayag ng suporta si US State Department deputy spokesperson Marie Harf kahapon matapos maghain ng written pleadings ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS).

"The United States reaffirms its support for the exercise of peaceful means to resolve maritime disputes without fear of any form of retaliation, including intimidation or coercion," pahayag ni Harf.

Sa kabila nito ay naniniwala ang si Hong na walang papanigan ang Amerika sa agawan ng dalawang bansa.

"It has on many occasions stated that it takes no position on issues concerning territorial sovereignty," sabi ni Hong.

Muling tumaas ang tension sa pagitan ng Pilipinas at China matapos harangin ng Chinese coast guard ang barko ng Pilipinas na magdadala ng supply sa Ayungin Shoal.

AMERIKA

AYUNGIN SHOAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTADOS UNIDOS

HONG LEI

INTERNATIONAL TRIBUNAL

LAW OF THE SEA

MARIE HARF

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with