AFP di sisira sa code of conduct
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang balak na sirain ang code of conduct para sa pagpapanatili ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP, nais nilang iparating sa mga bansang gustong umangkin sa lugar na ang pagtungo ng tropa sa Ayungin Shoal ay upang magdala lamang ng suplay at hindi para sirain ang code of conduct.
Nilinaw pa nito na mas nakatuon ang kanilang pansin na maibsan ang tension sa pagitan ng ating bansa at ng China sa halip na magkaroon ng kaguluhan.
Gayunman, inamin ni Zagala na hindi nila inaasahan ang nangyaring pagharang ng barkong China sa tropa subalit kailangan pa rin anya nilang iparating sa mga ito na wala silang intension kung hindi ang maghatid lamang ng tulong
Idinagdag pa ni Zagala na ginagampanan lamang nila ang kanilang trabaho anumang hirap ang kalagayan sa Ayungin Shoal at sana ay malaman ng mga dayuhan na wala tayong balak na masama.
- Latest