MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na estudyante ang nabiktima ng modus operandi ng hinihinalang ‘Ativan Gang’ sa pamamagitan ng uugod-ugod na matandang babae, na nagpatulong sa una na maihatid siya sa sakayan na sa huli ay hoholdapin siya sa Ermita, Maynila, kamakaÂlawa ng hapon.
Ang biktima na nagpatago sa pangalang Susan, residente ng Caloocan, anak ng opisyal ng Northern Police District, at estudyante sa Emilio Aguinaldo College ay nagharap ng reklamo sa Manila Police District-Theft and Robbery Section, laban sa mga suspek na inilarawan ang matandang babae sa edad na 70-75; 4â€11 hanggang 5†ang taas at isang lalaking maskulado na may edad sa pagitan ng 30-37 ; 5’7-5’8 ang taas, may hikaw sa tenga at nakasuot ng bull cap at sunglass.
Alas - 4:00 ng hapon noong Miyerkules, habang ang biktima ay nakatayo sa UN AveÂnue, ilalim ng UN LRT station, nilapitan siya ng matanda at nakiusap na ihatid siya sa sakayan ng dyip patungong Sta. Ana dahil hirap umano siyang maglakad.
Nang makarating na sa Padre Faura akaÂy-akay ang suspek na matanda, may dumating na isang tricycle at sinalubong sila ng driver nito , na siyang ikalawang suspek at mabilisang umanong may pinaamoy sa kaniya.
Wala na umano sa kontrol ang pagdeÂdesisyon habang sakay umano siya sa tricycle ng suspect sa loob ng halos 24 oras hanggang sa sumunod na lamang umano siya sa utos na mag-withdraw ng pera sa kaniyang ATM account.
Tinangay ng mga suspek ang na-withdraw na P3,000., ang Samsung Galaxy na P7,000 ang halaga bago siya pinababa ng tricycle.
Nang makauwi na ang biktima, ikinuwento sa mga magulang ang nangyari sa kaniya.