^

Bansa

Ex-hubby ni de Lima idinawit kay Napoles

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Direktang idinawit ng nasibak na si National Bureau of Investigation deputy director Reynaldo Esmeralda ang dating asawa ni Justice Secretary Leila de Lima na isa sa mga nakausap ni Janet Lim Napoles bago  naaresto ang tinaguriang pork barrel scam queen.

Sa pagpupulong ng NBI ad hoc committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu, sinabi ni Esmeralda na ang pag-uusap ay naganap noong Mayo 23, 2013.

Ipinakita rin sa nasabing komite at sa media nina Esmeralda at nasibak ding si dating NBI deputy di­rector Ruel Lasala ang sinasabing footage ng surveillance camera, kung saan makikitang si Napoles na nakasuot ng itim na damit, dark sunglasses ay naghihintay sa receiving area ng tanggapan ni dating NBI Director Nonnatus Rojas sa loob mismo ng NBI headquarters.

Sinabi pa ni Esmeralda na kasama ni Napoles ang dating mister ni de Lima na si Atty. Plaridel Bohol at 2 pang abogado na kinabibilangan ni Atty. Freddie Villamor.

Idinawit din ni Esmeralda sa isyu si NBI Deputy Director Rafael Ragos na tatlong beses umanong nakausap si Napoles. Inamin daw mismo ni Ragos ang kanyang pakikipagkita kay Napoles at ibinida pa na siya umano ang nagpayo kay Napoles na sumulat kay Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa kanyang kaso.

Isa umano sa pagpupulong nina Ragos at Napoles ay nangyari sa isang five star hotel sa Maynila.

Si Esmeralda ay humarap sa ad hoc committee para umano malinawan ang isyu matapos igiit ni de Lima na ang dahilan ng pagkakasibak nila ni Lasala sa kawanihan ay dahil sa “integrity at trust issue” na iniuugnay kay Napoles.

DEPUTY DIRECTOR RAFAEL RAGOS

DIRECTOR NONNATUS ROJAS

FREDDIE VILLAMOR

JANET LIM NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PLARIDEL BOHOL

RAGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with