Total makeover sa mga classroom, isinusulong ng DepEd
MANILA, Philippines - Iginiit ni Education Secretary Armin Luistro na hindi sapat ang pagtatayo lamang ng isa o dalawang bagong silid-aralan sa mga public schools kaya’t isinusulong niya ngayon ang pagsasagawa ng total makeover sa mga classrooms.
Ayon kay Luistro, kung marumi at sira-sira ang mga silid-aralan sa isang paaralan ay hindi pa rin ito mababago kahit pa makapagtayo sila ng karagdagang mga bagong silid-aralan.
Umaapela si Luistro sa mga ‘major private donors’ na tulungan sila upang maisagawa ang naturang planong makeover sa mga sira at mga lumang classrooms sa mga public schools.
Aminado ang kalihim na ang kasalukuyang adopt-a-school program ng pamahalan ay “band-aid solution†o pansamantalang solusyon lamang.
Paliwanag niya, ang mga donasyon kasi nilang natatanggap ay nauuwi lamang sa konstruksyon ng isa hanggang dalawang bagong silid-aralan ngunit wala namang pagbabago sa iba pang bahagi ng paaralan.
- Latest