MANILA, Philippines - Sa gitna ng mga baÂgong kaganapan sa kinakaharap na kaso tungkol sa P10 bilyong isikandalo sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) kabilang na ang testimonya nina Ruby Tuason at Dennis CunaÂnan, humingi ang kampo ni Senator Jose “Jinggoy†Estrada ng kopya ng counter affidavits ng mga bagong testigo.
Ayon kay Estrada, pormal silang nag-request sa Office of the Ombudsman na bigyan sila ng sworn affidavits nina Tuason at Cunanan.
Tinawag pa ng kampo ni Estrada na mga “recruited witnesses ang dalawa na mga respondents din sa kaso pero ginawang testigo ng Department of Justice at National Bureau of Investigation.
Sinabi ni Estrada posibleng kailanganin nilang sagutin ang alegasyon ng mga provisional witnesses sa kanilang affidavits bagaman at nakapagsumite na siya ng kanyang sariling counter affidavit noong Enero.
Naghain ng kanyang affidavit sa Ombudsman si Tuason noon nakaraang Pebrero 7 matapos itong bumalik sa bansa mula sa Amerika samantalang inihanda naman umano ni Cunanan ang kanyang sinumpaang salaysay noong Pebrero 20.
Sinabi ni Estrada na hinihintay pa niya na mabigyan ng opisyal na kopya ng mga nasabing dokumento kabilang na ang “Consolidated Reply†ng reklamo ng NBI.