MANILA, Philippines — Naglabas ng subpoena ang Korte Suprema ngayong Biyernes para kay “Ma’am Arlene†ang umano’y nagbabayad ng mga hukom upang paboran ang isang kaso.
Si Associate Justice Marvic Leonen, pinuno ng Ad Hoc Committee ng mataas na hukuman, ang nagpatawag kay Arlene Angeles Lerma upang magpakita sa ika-14 na sesyon ng Korte Suprema.
Ayon sa mga ulat ay nakakuha na ng 32 testimonya ang Ad Hoc Committee mula sa mga opisyal ng Korte Suprema.
Nakakuha rin sila ng mga larawan kung saan nasa isang pagsasalo ang mga hukom mula sa Court of Appeals at sa mataas na hukuman.
Napag-alamanang sa retirement party ni Deputy Court Administrator Antonio Eugenio Jr. nakuha ang mga larawan na ginanap noong Nobyembre 20, 2012.
Inaasahang maglalabas ng preliminary report ang kumite sa susunod na buwan.