COA chief kinontra ni Jinggoy sa SC

MANILA, Philippines - Agad kinontra kahapon ni Sen. Jinggoy Estrada ang posibleng pagtatalaga kay Commission on Audit (COA) Chair Maria Gracia Pulido-Tan bilang kapalit ng magreretirong si Supreme Court Associate Justice Roberto Abad sa Mayo sa edad na 70 taon.

Naniniwala si Estrada na kulang ang karanasan ni Pulido-Tan para maging associate justice ng SC

Kinuwestiyon ni Estrada kung naging judge din ba ito ng Regional Trial Court upang mapasama ito sa 14 na applikante na papalit kay Justice Abad.

Sinabi ni Estrada na dapat may 16 taon karanasan sa lower court ang susunod na Supreme Court Associate Justice.

“Naging active ba si Tan? Naging RTC Judge ba sya? May experience ba yon?,” tanong ni Estrada.

Mas marami aniyang karapat-dapat na pumalit kay Abad kumpara kay Tan.

Show comments