MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) na larawan ni Pope Francis ang tampok sa ilalabas na limited edition stamps o commemorative stamps, bilang paggunita sa ikalawang pontificate year ng Santo Papa.
Ayon sa PhilPost, ilulunsad sa iba’t ibang tanggapan nito ang 2014 Joint Stamp issue sa pagitan ng Vatican City at Pilipinas.
Balak naman ni Postmaster General Josie Dela Cruz na ipakita ang disenyo sa Holy See kasabay ng corridor marketing campaign ng PhlPost sa Roma sa Abril.
Maglalabas din ang Vatical Postal Administration ng stamp na may kaparehong disenyo sa Marso 21.
Nagkakahalaga ng P40.00 ang bawat isa sa 90,000 limited edition ng Pope Francis stamp.