MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na parte ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kaya naman wala silang balak tanggaling ang naka-tenggang BRP Sierra Madre sa katubigan.
Mula noong 1999 ay nakatambay na ang naturang barko sa Ayunging Shoal bilang sagot ng Pilipinas sa pagpupumilit ng China na angkinin ang lugar.
"The BRP Sierra Madre, a commissioned Philippine Naval Vessel, was placed in Ayungin Shoal in 1999 to serve as a permanent Philippine Government installation in response to China’s illegal occupation of Mischief Reef in 1995. This was prior to the signing of the Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea in 2002," pahayag ng DFA ngayong Biyernes.
Kamakailan lamang ay dalawang barko ng Pilipinas na magdadala sana ng pagkain at kagamitan sa BRP Sierra Madre ang pinalayas ng China.
Sinabi ng China na nilabag ng Pilipinas ang Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea.
Pilit inaangkin ng Chin ang buong South China Sea ngunit pumapalag ang iba’t ibang bansa tulad ng Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.