NSO: Tatlong milyong Pinoy tambay!
MANILA, Philippines – Aabot sa tatlong milyong Pilipino ang walang trabaho nitong Enero 2014, ayon sa National Statistics Office (NSO).
Nakasaad sa Labor Force Survey ng NSO na pumalo sa 7.5 percent (2.969 milyon) ang unemployment rate ng bansa mula sa 7.1 percent (2.776 milyon) noong kaperong buwan ng nakaraang taon.
Nangunguna ang Central Luzon sa mga rehiyong may pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho sa 91.2 percent, habang hindi naman nalalayo ang CALABARZON at Ilocos Region na may 91.1 at 90.7 percent, ayon sa pagkakasunod.
Nasa ikaapat na puwesto naman ang sentro ng bansa ang National Capital Region na may 88.8 percent unemployment rate.
Karamihan sa mga walang trabaho ay lalaki (63.9 percent).
- Latest