2 PBA players pinababawi ang lisensiya

MANILA, Philippines - Pinababawi ni House Committee on Games and Amusement Chairman at Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga ang pasaporte at lisensyang ibinigay sa dalawang PBA players na tumangging sumali sa National Team na Gilas Pilipinas.

Paliwanag  ni Barzaga, dapat huwag ng mag-isyu ang Games and Amusement Board ng license to play para kina Greg Slaughter at Marcio Lassiter.

Giit ni Barzaga, “flimsy” ang rason ng 2 PBA players na nauna nang pinili na mapabilang sa Philippine Team pero umayaw na maging bahagi at maglaro para sa koponan.

Ang dahilan nina Slaugh­ter at Lassiter, kaya sila umatras  bilang manlalaro ng Gilas Pilipinas ay dahil sapat na umano  ang 12 members ng koponan para kumatawan sa FIBA.

Ikinalungkot ni Barzaga na sa harap ng popularidad at glamorous standing ng PBA Pla­yers, may ilan umano  sa mga ito ang tila nakakalimutan ang nakaatang na pagseserbisyo nila para sa bansa gaya ng pagdadala ng Philippine Co­lors sa nalalapit na FIBA championship sa Spain sa Agosto.

Giit ni Barzaga, dapat ipaalala sa mga manla­laro na ang professional basketball ay “subject to regulation” ng estado at ang disservice sa bansa ay isang valid ground para tanggalan ng lisensya ang sinumang player na makasali pa sa PBA.

Punto pa ni Barzaga, noong naging Filipino Citizens ang mga PBA Fil-Am player, nanumpa sila na magiging tapat at loyal sa bansa.

 

Show comments