MANILA, Philippines - Isa na namang iskolar ng P400-milyon LANI Scholarship Program ang nagbigay karangalan sa Taguig nang manguna ito sa ginanap na 2014 Electrical Engineering Board Examination nitong nakaraang buwan.
Si Pol John Amargo Cruz, na nagtapos sa Mapua Institute of Technology (MIT) sa Maynila, ay nanguna sa 574 na pumasa sa buong bansa at nakapagtala ng 88.45% na iskor. Umabot sa 1,648 ang kumuha ng naturang board exam na ibinigay ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Pebrero.
Ipinagmalaki ni Mayor Lani Cayetano si Pol John at sinabing isa ito sa mga “nakakataba ng pusong pangyayari dahil napapatunayan nating maganda ang resulta ng paglalaan ng malaking pondo sa edukasyon.â€
Si Cruz na isang full scholar ng LANI program ay pumangatlo sa kanilang klase sa Taguig Science High School noong 2009 bago pa inilunsad ang LANI Scholarship Program.
Dahil dito, siya ay nakapasok bilang isang full scholar noong 2011.
Bukod kay Cruz, dalawang LANI Review schoÂlar mula sa Technological University of the Philippines- Taguig na sina Alvin C. Orolfo at Mark David Meneses, ang pumasa rin sa nasabing board exam.