MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong itaas sa P30,00 ang burial benefits ng mga natitirang beterano sa bansa mula sa kasalukuÂyang P10,000.
Sa Senate Bill 2127 na inihain ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., sinabi nito na napakaliit na ng P10,000 bilang burial benefits na ibinibigay ng gobyerno sa pamilya ng mga pumapanaw na beterano.
Ayon kay Revilla, hindi sapat ang nasabing halaga para mabigyan ng isang desenteng libing ang isang beterano na nagtanggol sa bansa noong panahon ng giyera. Hindi aniya dapat isantabi na lamang ng gobyerno ang kabayanihang naiambag ng mga beterano na buong tapang na nagtanggol sa bansa noong kanilang mga kabataan.
Bagaman at hindi pa rin aniya sapat ang P30,000 bilang burial benefits, mas malaking tulong naman ito kumpara sa kasalukuyang P10,000.