MANILA, Philippines – Nabura ng Pilipinas ngayong Biyernes ang world record sa pinakamaraming bilang ng mga organ donor sa loob ng isang oras.
SInabi ni Health Undersecretary Teodoro Herbosa na umabot sa 3,548 ang bilang ng mga lumagda sa campus pa lamang ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa Maynila.
Binura ng Pilipinas ang record na 2,775 ng India noong 2013.
Bukod sa Maynila, nagsagawa rin ng organ donation sa Quezon City Memorial Circle, La Union, Tugegarao at Davao.
Umabot sa 2,978 ang tumulong sa La Union; 1,134 naman sa Tugegarao, habang 944 at 788 sa Davao at Quezon City.
Bukod sa pinakamaraming lumagda loob lamang ng isang oras, target din ng Pilipinas na burahin ang record din ng India sa loob ng walong oras na umabot sa 10,450 katao.