MANILA, Philippines - Naglaan ng P9 milyon ang gobyerno para sa overnight stay ni Pangulong Aquino sa state visit nito sa Malaysia.
Nasa Kuala Lumpur, Malaysia na ngayon ang 57-man delegation ni Pangulong Aquino para sa 2-araw na state visit nito sa imbitasyon nina Malaysian King at Prime Minister Najib Razak.
Kasama ni PNoy sina DFA Sec. Albert del Rosario, Finance Sec. Cesar Purisima, Cabinet Sec. Rene Almendras, Peace Adviser Teresita Deles, Comm. Sec. Herminio Coloma Jr., PMS chief Julia Abad at Mindanao Development Authority chairperson Lualhati Antonino.
“Our President is expected to tackle several issues of mutual or shared interest in political, economic and defense cooperation with Malaysian leaders. I believe President Aquino will also witness the signing of a couple of agreements on cultural cooperation and education,†wika ni Executive Sec. Paquito Ochoa Jr.
Umalis kahapon ng tanghali ang delegasyon ni PNoy lulan ng chartered flight ng PAL sa NAIA terminal 2.