Extended operating hours ng MRT, sinimulan na

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Metro Rail Transit (MRT) ang pagpapatupad ng kanilang extended operating hours kahapon ng umaga upang ma-accommodate ang dumaraming bilang ng mga pasahero nito.

Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, sa loob ng dalawang linggo, ang operasyon nila sa North Avenue station ay magsisimula ng alas-4:30 ng mada­ling araw at alas-5:00 ng madaling araw naman sa Taft Avenue station.

Simula naman sa Marso 10 ng gabi, palalawigin ang operasyon ng hanggang alas-10:30 ng gabi sa North Ave­nue station at alas-11:00 ng gabi sa Taft Avenue station.

Sinabi ni Vitangcol na naging matagumpay naman ang test run kahapon.

 

Show comments