Undervaluation pinasisilip Customs hinamon sa bakal
MANILA, Philippines - Hinamon ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) ang Bureau of Customs na siyasatin ang malawakang undervaluation o pagpapababa ng halaga sa steel imports ng ilang kumÂpanya na nauna ng pinagpapaliwanag tungkol sa pagtitinda ng mababang uri o substandard na produkto sa merkado.
Sa inilabas na anunsyo ng BoC sa mga pahayagan nuong PebÂrero 5, idinetalye kung magkano ang binayaran ng mga steel manufactuÂrers sa bansa sa kanilang mga inangkat na produkto. Ang impormasyon ay klinasipika ayon sa uri ng produkto na ipinasok sa bansa.
Malinaw sa anunsyo na may malaking pagkakaiba sa presyo ng mga deklaradong produkto kahit na ito ay nasa isang kategorya lamang. Malaki ang nakitang pagkakaiba sa kategoryang “HS Code 7213: Bars and Rods, hot-rolled, in irreÂgularly wound coils, of iron or non-alloy steel.†Dito nasilip na ang Joyland Industries Corporation ay nagdeklara lamang umano ng P13.41 bawat kilo sa kanilang inimporta samantalang ang iba ay higit na mas mataas ang deklarasyon.
Nasilip din na may malaking undervaluation sa kategoryang HS Code 7211: Flat-rolled proÂducts of iron or non-alloy kung saan ang Wisdom Marketing ay nagdeklara lamang ng P13.35 bawat kilo sa kanilang inimporta at ang iba ay P46.75 bawat kilo pinakamataas at P18.98 bawat kilo ang pinakamababa.
Kamakailan ay sinampahan ng PISI ng technical smuggling ang Joyland. Sa naturang reklamo, ipinakita ng PISI ang malawak na importasyon ng bakal ng Joyland kung saan ang deklaradong halaga ay mas mababa pa kaysa sa presyo ng scrap metal.
Ayon sa Philippine manufacturing standards, ipinagbabawal ang paggawa ng reinforcement bars mula sa wire rods dahil mahina ang lakas nito o tensile strength para suportahan ang mga mabibigat na istruktura. Ang Joyland ay nagbebenta umano ng reinforcement bars sa Visayas region, pero ipinagtaka kung bakit wire rods ang inaangkat nito imbes na ang mas matigas at matibay na steel billets.
Ang pagkalat ng substandard steel products, lalo na ang mga reinforcement bars, lalo na sa Visayas ay naging sanhi ng pangamba matapos na masuri na ang mga bumagsak na bahay at mga gusali sa Bohol (matapos ang lindol) at sa Leyte at Samar naman pagkatapos ng Yolanda, ay ginamitan ng mahinang klaseng mga materyales, kabilang ang bakal.
Hiniling ni PISI President Roberto Cola sa BoC na aksyunan ang malaking diperensya sa presyo ng magkakahalintulad na produktong bakal.
“The exceedingly low price quoted by Joyland is already a smoking gun. It shows gross undervaluation. We are waiting for the Customs Commissioner to take firm action on the information the Bureau itself made public,†diin pa ni Cola.
- Latest