TRO uli vs power hike
MANILA, Philippines - Muling nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay sa power rate hike ng Manila Electric Company (Meralco).
Sinabi ni SC spokesman Atty. Theodore Te, magtatagal ang nasabing TRO sa loob ng 60 araw o hanggang Abril 22, 2014.
Ito ang napagkasunduan ng mga mahistrado sa en banc session ngaÂyong araw batay na rin sa pagtalakay sa inihaing petisyon na “urgent motion for extension of the TRO and/or Preliminary Injunction†ng mga petisyuner sa kaso.
Kabilang sa mga naghain ng kanilang petisÂyon para sa pagpapalawig ng nasabing TRO ay sina: Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan at Emmi de Jesus; Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio; at Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon.
Respondents naman sa kaso ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Meralco.
Nabatid na Disyembre 23, 2013 nagpalabas ng 60-day TRO ang SC na pansamantalang pumipigil sa dagdag singil sa kurÂyente ng Meralco.
Sakaling maipatupad ang mahigit P4 kada kilowatt hour na taas sa singil, pinangangambahan na ito’y maaring magresulta sa dagdag na production cost sa mga manufacturers.
- Latest