‘Road-sharing policy’ suportado ni Nograles
MANILA, Philippines - Suportado ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles ang lumalakas na panawagan ng publiko para kalampagin ang national government at ang local government units (LGUs) upang ipatupad ang ‘road-sharing policy’ para sa mga bikers, runners, walkers at mga taong may kapansanan.
Ang pahayag ni Nograles ay batay na rin sa mga pahayag ng mga miyembro ng mga Share-the-Road Movement na nagsumite sa Supreme Court ng ‘Writ of Kalikasan’ para pilitin ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang ipatupad ang ‘road sharing’ policy.
Nagbabala si Nograles ang pagkukumpuni sa skyway 3 ay ilalarga na, kaya asahan na ang mabigat na trapik sa Metro Manila at lalong magiging “worse to worst†kaya dapat umpisahan na ng gobyerno at publiko na gumamit ng bisekleta at iba pang non-automotive transport systems.
“I’m so glad the our people are beginning to realize the importance of sharing the road. Without any disÂrespect to car commuters, there is a need to give wider latitude for bikers,walkers, runners and PWDs when it comes to road use,†ayon kay Nograles.
- Latest