US Embassy sarado sa Lunes

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng US Embassy na sarado sa publiko ang kanilang mga tanggapan sa Lunes, February 17, 2014 dahil sa Presidents’ Day, isang American holiday.   

Muling magbabalik ang kanilang serbisyo sa Martes, February 18.  

Noong dekada ‘70 ang US Congress ay nagdeklara na bigyan ng pagkilala at parangalan ang lahat ng mga naging pangulo ng Estados Unidos sa iisang araw na piyesta opisyal na tatawaging Presidents’ Day, na itinakda tuwing ikatlong Lunes ng Pebrero.

Dati kasi deklaradong holiday sa buong Amerika tuwng sumasapit ang mga kaarawan nina US President George Washington at Abraham Lincoln.

Show comments