Ranillo, ERC chair Ducut ipatatawag ng Senado
MANILA, Philippines - Pahaharapin sa SeÂnate Blue Ribbon Committee ang actor na si Mat Ranillo III, Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson at daÂting Pampanga Rep. Zenaida Ducut sa susunod na imbestigasyon kaugnay sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ito’y matapos kumpirmahin ng whistle blower na si Benhur Luy na kinuha rin ni Janet Lim Napoles ang serbisyo ng actor para maging ahente nito sa Kongreso.
Sinabi ni Luy na naÂgamit din ni Napoles si Ranillo at may naipadaan rin ditong kickbacks para kay Sen. Jinggoy Estrada na ibinibigay naman sa secretary ng senador na si Pauline Labayen.
Pero noon umanong 2006, nais ni Napoles na itigil na ang pagbabayad ng komisyon kay Ranillo dahil direkta na nitong nakakausap si Estrada.
Nakatanggap din umano si Ranillo ng sasakyang Ford E-150 mula kay Napoles bilang komisyon na tinangkang bawiin ni Napoles kaya nagkaroon sila ng kaso.
Nabanggit din ang pangalan nina Ducut, Atty. Jess Santos, Justa Tantoco at Maya Santos.
Si (Jess) Santos ay nagsilbing abogado ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo, na itinuro ni whistleblower Ruby Tuason na koneksiyon umano ni Napoles sa Malacañang noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Nabanggit ang pangalan ni Tantoco na kaibigan umano ng pamilya ng dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na sinasabing may-ari ng bahay sa Dasmariñas Village sa Makati kung saan inihatid din ang kickbacks para kay Sen. Estrada na umaabot sa P11 milyon.
Si (Maya) Santos naman ang sinasabing kontak ni Napoles sa Department of Agriculture kung saan nakakakuha sila ng pondo.
- Latest